18 Day Campaign to End Violence Against Women


“...hindi dapat matatapos sa labingwalong araw ang ating advocacy na ito. Everyday and in everything that we do, we must always protect and respect the women in our society. We must always make sure that our community is a safe space for them.” - Mayor Lourdes S. Cataquiz

Noong Nobyembre 26, 2021 ng hapon ay nagsagawa ng motorcade ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro kasunod ang programa bilang hudyat ng pagsisimula ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women na may temang “Filipino Marespeto: Safe Spaces, Kasali Tayo”. Ang nasabing programa ay isinasagawa taun-taon at naging posible dahil sa pagtutulungan ng Philippine Commission on Women, DILG-San Pedro sa pangunguna ni CLGOO Lenie Bautista, Gender and Development sa pangunguna ni Focal Person Rochelle Carino, City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Fatima Autor, Tourism, Culture, and Arts Office sa pangunguna ni Mr. John Manzano, at Public Affairs and Information Office sa pangunguna ni Mr. Jimbo Ambayec.

Nagpaabot ng kanilang mensahe sa nasabing programa sina Congresswoman Ruth Hernandez, Councilor Aaron Cataquiz, Councilor Bernadeth Olivares, ABC President Diwa Tayao. Dumalo din sina Councilor Raffy Campos, Councilor Bobot Berroya, Councilor Kent Lagasca, City Councilor Lon-Lon Ambayec, City Administrator Filemon Sibulo, Former Vice Mayor Iryne Vierneza, former City Councilor Delio Hatulan, former Municipal Councilor Andy Tee Reyes, Dr. Marion Acierto at Kap Bong Poyaoan.