32 Pamilya nagtapos bilang benepisyaryo ng Pantawid Program


Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang pagbibigay ng Sertipiko ng Pagkilala sa 32 pamilya na nagsipagtapos bilang benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa isang pagtitipong tinawag na “Pugay Tagumpay”. Ito ay ginanap sa Ceremonial Hall noong ika-9 ng Disyembre, 2020. Ang 4Ps ay isang programa ng pamahalaang pambansa na isinailalim sa pangangasiwa ng ating CSWDO at sinusubaybayan naman ng ating mga city link mula sa DSWD-Region 4a (CALABARZON).


Kabilang sa dumalo ay sina City Administrator Filemon I. Sibulo, City Coun. Edgardo Berroya at ABC Pres. Diwa Tayao.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.