50 Kababaihan Nabigyan ng Contraceptive Implant


Limampung mga kababaihan mula sa iba’t-ibang barangay ang nakiisa sa Family Planning Program sa ilalim ng Gender and Development ng City Health Office (CHO) sa pamamagitan ng paglalagay ng Intrauterine Device (IUD) implant sa mga kababaihan. Ito ay isinagawa sa JLAEH-OPD Extension Brgy. Sto. Niño noong October 2, 2020.


Ang implant (Implanon) ay isang maliit at manipis na kapsula na naglalaman ng progesterone. Ito ay inilalagay sa ilalim ng balat ng braso ng mga kababaihan upang maiwasan ang pagbubuntis hanggang tatlong taon. Sa tulong ni Provincial Population Officer Josefina Yaneza ay naisagawa ang programang ito katuwang ang Friendly Care Foundation Inc. Bukod dito nagkaroon ng talakayan tungkol sa Breast and Cancer awareness gayundin ng pamimigay ng hygiene kit.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.