7th San Pedro Cityhood Anniversary


"Ipinagdiwang natin ang 7th San Pedro Cityhood Anniversary noong December 29, 2020 na may temang “Natutupad na mga Pangarap”. Ito ay dinaluhan ng inyo pong lingkod at ng ating pinakamamahal na Former Mayor Calixto Cataquiz, ilang mga Division and Department Heads at mga kawani ng ating Pamahalaang Lungsod. Nasilayan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng FB Live ang ilan sa mga accomplishments at upcoming programs and projects ng ating lungsod.

Makakaasa po kayo na patuloy nating tutuparin ang mga pangarap na ito na nakapaloob sa ating Roadmap 2020. Mula sa Economic Development, Socio-Cultural Development, Environment Protection and Management hanggang Good Governance. Gaya ng paniniwala ng ating Former Mayor Calixto Cataquiz, patuloy tayong mangangarap para sa ating lungsod. Dahil ang lahat ng tagumpay ay nagsisimula sa isang pangarap. Libre ang mangarap!

Inilunsad ang teaser at unang episode ng Roadmap 2020 sa pamamagitan ng isang panel interview kay PAIO Head Jimbo Ambayec na pinangunahan ni CSWDO Head Ma. Fatima Autor at CTCA OIC John Manzano.

Kabilang sa presentasyon ang soft launching ng Ang Susi 2.0 at San Pedro City Cofee Table Book. Sinundan naman ito ng pag-awit ng mahuhusay na talento ng San Pedro na sina John Philip Bautista, Mavel Bautista, Bernadette Berroya, Cholo Bismonte at It’s Showtime Ms. Q & A Intertalactic Grand Winner 2019 Mitch Montecarlo na isa rin sa hosts. Nagkaroon din ng mga online trivia games at fireworks display bilang hudyat ng pagwawakas ng pagdiriwang ng Anibersaryo ng ating City Hood."


-Mayor Lourdes S. Cataquiz

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.