8th Cityhood of San Pedro City


“Ang Magandang San Pedro Po ay ginawa nating slogan sapagkat ang bawat mamamayan at kawani ng Pamahalaan ay pinapaganda ang San Pedro. Whatever the big cities have ay mayroon din tayo sa San Pedro. Maliit man ang ating Lungsod ay makakapuwing din. May bunga ang lahat ng ating pinagtitiisan, may bunga ang ating pinagsusumikapan.”, ito ang mensahe ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa pagdiriwang ng ika- walong Anibersaryo ng San Pedro Cityhood noong Disyembre 29, 2021 na may temang “Leading to Progress and Development: Tayong Lahat, Bahagi ng Pag- unlad”.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng panimulang pananalita ni PAIO Head Jimbo Ambayec, kasunod nito ang pagpaparangal sa mga empleyado na matapat na nagsilbi sa Pamahalaang Lungsod sa loob ng sampu (10), labing-lima (15), dalawampu (20), dalawampu’t lima (25), tatlumpu (30), tatlumpu’t lima (35) at apatnapung (40) taon na pinangunahan ni HRMO Head Leah Lu-Morando. Kasama ng iba pang kawani, si Gng. Flora Remolacio Paulo ang itinanghal na may pinakamababang service record sa kasalukuyan dahil sa kanyang matapat na paglilingkod sa loob ng 41 na taon.

Ipinakilala naman ni dating Mayor Calex Cataquiz si dating Senador JV Ejercito bilang Keynote Speaker. Si Sen. JV ang punong may- akda ng Universal Health Care Law at iba pang mahahalagang batas na may kinalaman sa kalusugan.

Ang nasabing programa ay dinaluhan din nina Konsehal Bernadeth Olivares, Konsehal Bobot Berroya (host), dating Konsehal Dodie Recto at Dr. Marion Acierto.

Nagsagawa rin ng musical extravaganza at fireworks display sa Benedicto H. Austria San Pedro Gateway Park.