AIP ng Pamahalaang Lunsod, Binalangkas


Nagsagawa ng pagbabalangkas ng Annual Investment Plan (AIP) ang bawat Department Head ng Pamahalaang Lungsod upang maisakatuparan ang mga proyekto at programa ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz upang patuloy na makapaghatid ng serbisyo sa mamamayan ng lungsod. Ito ay isinagawa sa Takara Hotel and Events Place noong September 23-29, 2020.


Nagkaroon ng presentasyon ang bawat departamento ng kanilang accomplishments para sa taong 2020 at AIP para sa taong 2021 na nakasaad ang kanilang mga programa kabilang ang pondo alinsunod sa kanilang proyekto. Ayon kay Mayor Cataquiz napakahalaga ng AIP ngunit kailangang maging maingat, wasto ang paggamit ng pondo at angkop na makatutugon sa pangangailangan ng lungsod.

Dumalo rin ang mga City Councilors, ABC Pres. Diwa T. Tayao, S.K Federation Pres. Gius Castasus, CLGOO Lenie Bautista at Punong Barangay. Ito ay pinangasiwaan ng City Planning and Development Coordinators Office (CPDCO).

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.