Bagong Ambulansiya para sa JLAEH at GALIC



Tinanggap nina Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH) Administrator Malou Apilado at Gavino Alvarez Lying-In Center (GALIC) Administrator Maria Tala Ferreira ang dalawang bagong ambulansiya noong October 22, 2020.

Ang Nissan Urvan ambulance ay mula sa pondo ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz upang mas palakasin ang pagbibigay ng mga serbisyong medikal, lalung-lalo na sa panahon ng emergency at ngayong panahon ng pandemya.