Bagong Opisina ng Association of Empowered PWD Phils. Inc.


Nagsagawa ng ribbon-cutting para pasinayaan ang bagong opisina ng Association of Empowered PWD Phils. Inc. sa PEA 2A, Brgy. Langgam noong November 14, 2020. Ito ay pinangunahan ni Councilor Aaron Calixto S. Cataquiz.


Malaking pasasalamat ang ipinaabot nina PWD Association President Daniel Evangelista at Vice President Ma. Shiela Laudato sa ibinigay na rice packs ni Councilor Cataquiz bilang handog sa pagdiriwang ng kanilang ika-11 Anibersaryo at pagdaraos ng kanilang General Assembly at Family Day.


Kasama ni Councilor Cataquiz sa nasabing pagpapasinaya sina former Vice Mayor and Coun. Raffy Campos, Coun. Leslie Lu, Coun. Bernadeth Olivares at Coun. Marlon Acierto.