Bagong Rural Health Unit II


“Dinaluhan po ng inyong lingkod ang pagpapasinaya sa bagong Rural Health Unit II sa Barangay Langgam. Kasama ko po sa nasabing pagtitipon ang mga Konsehal ng ating Lungsod na sina Aaron Cataquiz, Raffy Campos, Bernadeth Olivares at Kent Lagasca, City Health Office Head Dr. Robert Olivarez, LCR OIC Riah Fojas, JLAEH Admin. Maria Lourdes Apilado, GALIC Admin. Maria Tala Ferreira, Brgy. Captain Romeo Poyaoan, Brgy. Coun. Arnelio Orit, Brgy. Admin. Rizalee Cortez, CHO Personnel at mga Brgy. Staff.

Atin din pong pinabasbasan kay Rev. Fr. Noel Artillaga ang karagdagang apat (4) na ambulansya na magagamit ng GALIC Lying- In, JLAEH at mga Barangay.

Pagkatapos sa RHU II ay akin pong binisita ang ilan sa mga Pampublikong Paaralan sa Upper Villages tulad ng SPRCNHS, PUP at LRCS upang masiguro na magiging maayos at ligtas ang mga mag- aaral na papasok kung sakaling maipatupad na natin ang face-to-face classes sa New Normal set- up.

Akin din pong ininspeksyon ang pagtatayuan ng GALIC Lying- In Extension sa Brgy. Narra, Bike Lane at ang mga posibleng gawing Parking Lots sa kahabaan ng Brgy. San Vicente Road.


Naging kapaki- pakinabang ang ating pag- iikot noong Disyembre 2, 2020 sapagkat marami tayong nakitang mga posible pang gawin upang mas lalong mapaunlad ang kalagayan ng ating Lungsod. Asahan po ninyo ang patuloy na paglilingkod ng ating Pamahalaan sa ating mga kababayan.”

-Mayor Lourdes S. Cataquiz

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.