Barangay Isolation Unit (BIU), Inilunsad

Nag-ikot ang ating mga opisyales ng City Health Office(CHO) at City Planning and Development Coordinator’s Office (CPDC) sa San Vicente Old Barangay Hall, Langgam Daycare & Livelihood Center, at San Roque Multi Purpose Hall na pinangunahan ni Ms. Riah R. Fojas, City Civil Registrar OIC.


Ang pag-ikot na ito ay upang inspeksyunin ang mga ginagawang Barangay Isolation Unit (BIU) bilang tugon sa pangangailangan ng kanilang mga komunidad upang hindi magkahawa-hawa ang mga naka home quarantine at mabasawan ang kaso ng COVID-19 sa mga barangay.


Ang mga nasa larawan ay magsisilbing Quarantine Facility ng Barangay San Vicente sa pamumuno ni Kapitana Diwa T. Tayao.















© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.