Basura Palit Gatas


Patuloy ang programa ng AlasKalikasan Wrapper Redemption Project, isang pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro at Alaska Milk Corporation. Sa programang ito ang 5 kilo na residuals ay kapalit ng 1 kilong gatas ng Alaska Fortified Powdered Milk.


Layunin nito na matutunan ng mga mamamayan ang tamang paghihiwalay ng mga basura (Reuse Reduce Recycle), matulungan ang mga mahihirap gayundin ang responsableng pagtatapon ng basura.


Ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na pinamumunuan ni Marilou Balba ang namamahala sa pagkolekta ng sachets, wrappers at iba pang mga residuals mula sa iba’t-ibang barangay at organisasyon.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.