BOSS 2022



Naging maayos at mapayapa ang unang araw ng Business One- Stop Shop para sa Renewal at mga bagong application ng Business Permit sa 4th Level ng Robinson’s Galleria South noong ika- 3 ng Enero, 2022.

Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz na maging mas mabilis at mas maaliwalas ang pagproseso ng Business Permit ng bawat negosyo sa ating lungsod lalo na ngayong panahon ng Pandemya.

Sa mga nais mag-renew o mag-apply ng Business Permit, magtungo lamang sa Robinsons Galleria South mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00am to 5:00pm. Ang aplikasyon ay magtatagal hanggang Enero 20, 2022.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! Magandang San Pedro Po sa ating lahat!