Breast Cancer Awareness Program



Ayon sa Global Cancer Observatory (GCO), ang breast cancer ay nangungunang uri ng kanser sa mundo at sa ating bansa, pangatlo itong uri ng kanser na sanhi ng kamatayan. Walang pinipili ang sakit na ito, kahit sino at anuman ang antas sa buhay ay maaaring magkaroon ng breast cancer.

Kaya naman ang ating Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa pamamagitan ng City Health Office ay nagsagawa ng breast ultrasound sa ilan nating mga kababayan upang maagang matuklasan at maagapan ang posibleng pagkakaroon ng breast cancer.

Ang programang ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month 2022.

Antabayanan ang mga susunod pang schedule ng screening. Para sa karagdagang katanungan, makipag- ugnayan lamang sa City Health Clinic o tumawag sa numarong 8808- 2020 local 317.

Maraming salamat po.