Buwan ng Wika 2021


Ginanap noong Agosto 27 at 28, 2021 ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang "Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino". Ang dalawang araw na birtwal na selebrasyon ay pinangunahan ng City Tourism Culture and Arts Office sa pamumuno ni G. John Manzano. Sa unang araw ng pagdiriwang ay nagkaroon ng talakayan kasama sina Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino at Dr. Eugene Evasco, Hall of Fame Awardee, Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature. Kasama din sa pagdiriwang sina Gng. Divina Manlangit at Dr. Minerva Ferranco.

Sa pangalawang araw naman ay nagkaroon ng paligsahan ng Pabigkas Patula (Spoken Word Poetry) para sa dalawang kategorya: Bukas na Kategorya at Kategorya ng Mag-Aaral. Nanalo sa Bukas na Kategorya si Dannie Oscar Cruz ng Barangay San Antonio at si Aeron Jeff Osicos naman ng Liceo De San Pedro para sa Kategorya ng Mag-Aaral. Nagsilbing mga hurado sa nasabing patimpalak sina G. Joel Rebollido, G. Norman Avenido Abanto at G. Jao Cabral. Nagkaroon din ng Kwentuhan Pambata kasama sina Bb. Melanie Ramirez, G. Jose Tomasiton Fernando at G. James Rommel Mabborang mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas Kuwentistas. Nagtanghal din ang San Pedro Technological Institute ng kanilang Pamukaw na Bilang para sa pagdiriwang.

Ang nasabing pagdiriwang ay sinuportahan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz. Ilan sa mga dumalo at nagbigay ng kanilang mensahe ay sina Konsehal Aaron Cataquiz, Konsehal Edgardo Berroya, PAIO Head Jimbo Ambayec, Dr. Jovito Barcenas, G. Dominador Marmeto at Gng. Alicia Del Rosario.

Mga litrato mula sa San Pedro City Tourism, Culture and Arts Office