Cash Assistance para sa mga Senior Citizen


“Lahat po ng nangyayari ay kaloob ng ating panginoon… Gustong gusto natin na magbigay ng assistance o tulong sa inyo, ngunit sama-sama naman tayong humarap sa hamon ng pandemya. Ngayon ay naisakatuparan na natin ang plano nating ito.” - Mayor Lourdes S. Cataquiz

Sa pangunguna ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ay namahagi ng cash assistance para sa mga senior citizen na may edad 85-100 years old ngayong January 7, 2022 sa Robinsons Galleria South. Ang nasabing payout ay dinaluhan nina Councilor Edgardo “Bobot” Berroya, CSWDO Head Fatima Autor, OSCA Head Charlene Toscano at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod. Layunin ng cash assistance program na makapag-abot ng tulong sa mga mamamayan ng San Pedro, lalo na sa mga matatanda, ngayong panahon ng pandemya.