CDRRMC naghahanda para sa Bagyong Rolly


Pinangunahan ni CDRRMC Chairperson City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang Emergency Meeting ng CDRRM Council para sa paghahanda ng paparating na “Bagyong Rolly”, na ginanap sa Ceremonial Hall ngayong Ika-30 ng Oktubre, 2020. Kabilang sa mga dumalo ay sina Councilor Aaron Cataquiz, ABC Diwa Tayao, at City Administrator Engr. Filemon Sibulo.


Sa ulat ni Deputy LDRRM Officer Vernet Nico Pavino, posibleng maka apekto ang bagyo sa City of San Pedro sa darating na Linggo (November 1, 2020) o Lunes (November 2, 2020). Inaasahang mas malakas ang bagyong ito at magdadala ng katamtaman hanggang malakas na ulan at hangin. Pinayuhan na manatiling alerto simula sa Linggo, 6:00 ng umaga ang lahat ng Barangay, i-activate ang Incident Command System, Emergency Operation Center at rescue teams ng buong lungsod.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.