CDRRMC NAGHAHANDA PARA SA BAGYONG ULYSSES


Pinangunahan ng CDRRMO ang Emergency Meeting ng CDRRM Council para sa paghahanda sa paparating na “Bagyong Ulysses”. Ang nasabing pulong ay ginanap sa Ceremonial Hall kahapon, ika-10 ng Nobyembre, 2020.


Sa ulat ni Deputy LDRRM Officer Nico Pavino ay posibleng makaapekto ang bagyo sa ating lungsod sa darating na Huwebes (November 12, 2020). Inaasahang magiging malakas ang ulan at maaaring magdulot pa ito ng landslide. Pinayuhan ang publiko na manatiling alerto simula ngayong araw, 10:00 ng umaga ang lahat ng Barangay at sa ganap na 6:00 ng gabi ay i-activate ang Incident Command System, Emergency Operation Center at rescue teams, kabilang ang mga evacuation centers gayundin ang mga equipments, supplies at relief goods ng buong lungsod.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.