CENRO PINANGUNAHAN ANG PAGLILINIS NG MGA ILOG SA LUNGSOD

Pinangasiwaan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pamumuno ni Ms. Marilou Balba ang paglilinis ng mga ilog sa Lungsod ng San Pedro matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses. Tambak na basura ang naipon sa tulay na tumatawid sa San Isidro River sa pagitan ng San Antonio, Nueva, San Vicente, Cuyab at Sto. Niño. Sinimulan ang paglilinis ng nasabing ilog noong ika-15 ng Nobyembre, 2020.


Patuloy ang isinasagawang paglilinis sa kahabaan ng San Isidro River katuwang ang Bravo Company-Philippine Army. Layunin nila na matanggal ang mga basura na nakabara sa mga daluyan ng tubig. Patuloy naman ang panawagan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa lahat ng mamamayan na iwasan na ang pagtatapon ng basura sa ilog, lawa, mga kanal, at iba pa.