CHIKITING LIGTAS- SIMULTANEOUS VACCINATION


Sa unang linggo ng Pebrero ay nag- umpisa na ang pag- house to house ng mga Health Workers sa ating Lungsod upang mamigay ng bakuna laban sa Polio, Rubella at Measles para sa mga batang may edad 0- 59 na buwan.


Ang programang ito ng Department of Health ay sinuportahan ng ating butihing Mayor Lourdes S. Cataquiz, Konsehal Aaron Cataquiz, Konsehal Kent Lagasca, City Health Officer Dr. Robert Olivarez at LCR OIC Nurse Riah Fojas.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa programang ito ng National Government upang maiwasan ang mga naturang sakit. Ito po ay libre, ligtas at subok na.