Namahagi si City Mayor Lourdes S. Cataquiz ng 28 units ng Risograph Machine para sa public schools noong Agosto 10, 2020 para sa paghahanda ng pagbubukas ng klase ngayong buwan ng Agosto. Kaugnay sa kinakaharap natin na pandemya at epekto ng pagbabalik ng Lungsod sa Modified Enhance Community Quarantine, ito ang kanilang paghahanda para sa darating na pasukan.
Malaking pasasalamat ng mga principals at sinimulan ang reproduction of modules. Ang modular learning ay isa sa alternative modalities na maaaring gamitin ng mga mag-aaral na walang kakayahan para sa online classes.



























