CITY PEACE AND ORDER MEETING ISINAGAWA

Nagsagawa ng second quarter meeting ang City Peace and Order Council (CPOC) sa lungsod sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang sektor ng komunidad na pinangunahan nina City Mayor Lourdes S. Cataquiz, PLTCOL Zeric Soriano at CLGOO Lenie Bautista na ginanap sa Ceremonial Hall, June 26, 2020.


Iniulat ni PLTCOL Soriano ang pagbaba ng kriminalidad sa Lungsod at patuloy na pagtutok sa mga checkpoint ngayong panahon ng pandemya. Ayon naman kay BJMP Supt. Ruelito Bobadilla ay nasa kanilang pangangalaga na ang mga Person’s Deprived Liberty (PDL) at patuloy na ginagamot ang mga tinamaan ng sakit na Covid-19. Kabilang sa mga nagbigay ng accomplishment reports ay ang City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), POSO, BFP at Bravo Company.


Kabilang sa mga dumalo ay sina Coun. Aaron S.Cataquiz, ABC Pres. Diwa T. Tayao, City Administrator Engr. Filemon I. Sibulo, SK Federation Pres. Gius Castasus at CADAC Focal Person Lirio P. Rivera at mga miyembro ng komite.







© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.