CONTACT TRACERS SINUYOD ANG MGA BARANGAY


Patuloy ang pagsuyod sa lahat ng barangay ng mga contact tracers upang matukoy ang mga close contact ng isang nagpositibo sa Covid-19. Sinimulan ang aktibidad na ito noong Oktubre 12, 2020.


Sa kabuuan, may bilang na 112 contact tracers ang umiikot sa ating lungsod katuwang ang Barangay Health Emergency and Response Team (BHERT). Sila ay nasa ilalim ng pangangasiwa nina CLGOO Lenie Bautista at LGOO III Jnysz Montejo alinsunod sa ipinatutupad na panuntunan ng Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.