COVID-19 Contract Tracers, Aarangkada na!

Sumailalim sa orientation ang mga napiling contact tracers ng Lungsod na ginanap sa Sangguniang Panlungsod Session Hall noong October 12, 2020.


May bilang na 81 contact tracers ang pumirma ng kontrata na pinangasiwaan ni CLGOO Lenie Bautista at LGOO III Jnysz Montejo na magsisimula sa darating na October 14, 2020. Sila ay makikipag-ugnayan sa mga barangay upang matukoy ang mga close contacts ng isang nagpositibo sa Covid-19 at agad nilang aabisuhan ang mga ito upang mag isolate o mag quarantine.


Bilang proteksiyon ay namahagi ng Personal Protective Equipment (PPE), face shield, gloves, caps, disposable facemask at shoe cover. Kabilang sa dumalo ay sina City Health Officer Dr. Robert Olivarez, Executive Assistant V Angela Cataquiz, LCR Head Riah Fojas at Nurse Ryan Arboleda.




© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.