COVID-19 Task Force sa pangunguna ng ating Mahal na Mayor Lourdes S. Cataquiz


“Pinangunahan po ng inyong lingkod ang pulong ng ating COVID-19 Task Force, kasama ang mga Punong Barangay at kanilang mga kawani ukol sa Compliance and Enforcement of MECQ Guidelines and Protocols. Ito ay naglalayong mapaalalahanang muli ang bawat mamamayan na patuloy pa ring sundin ang mga health and safety protocols na ipinatutupad sa ating lungsod.


Hindi pa po tapos ang ating laban sa COVID-19, hindi pa rin po nawawala ang banta ng virus na ito. Kaya patuloy ang aking pakiusap sa bawat isa na makiisa at sumunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng ating pamahalaan.


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!”


Mayor Lourdes S. Cataquiz