COVID-19 Vaccination Plan ng Lungsod


Pinangunahan ng San Pedro City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa pamamagitan ni CDRRMO OIC Nico Vernet Pavino, ang pagpupulong sa COVID-19 Vaccination Plan ng ating Lungsod.


Nagbigay ng datos at mahahalagang paunawa sina City Administrator Engr. Filemon I. Sibulo, Councilor Aaron S. Cataquiz, LCR OIC Riah Fojas at PAIO Head Jimbo R. Ambayec ukol sa gagawing pagpapatupad ng nasabing plano. Naganap ang pulong noong January 26, 2021 sa Ceremonial Hall, San Pedro City Hall.