Covid-19 Vaccine Simulation Exercise


Matagumpay na naidaos ang Covid- 19 Vaccine Simulation Exercise sa pagtutulungan ng mga kawani mula sa City Health Office, PNP San Pedro, Public Order and Safety Office at Public Affairs and Information Office. Isinagawa ang Dry Run na ito upang masigurong magiging maayos at maiwasan ang anumang uri ng aberya o disgrasya at traffic na posibleng mangyari sa pagdating ng mga bakuna para sa ating Lungsod.


Nililinaw po ng CHO Personnel na wala pang petsa kung kailan at kung anong vaccine brand ang darating sa atin. Kung sakali mang dumating na ang mga ito ay uunahin na maturukan ang Public and Private Health Workers.