COVID TASK FORCE MEETING


Nagkaroon ng pagpupulong ang COVID-19 Task Force ng Lungsod ng San Pedro noong Enero 20, 2021. Ito ay pinangunahan nina City Administrator Engr. Filimon Sibulo, LCR OIC Riah Fojas at CHO Head Dr. Robert Olivarez. Dinaluhan din ito nina HR Head Leah Morando, PAIO Head Jamie Ambayec, CDRRMO OIC Vernet Nico Pavino at POSO OIC Lirio Rivera.

Ang pagpupulong ay ulat hinggil sa mga aktibong kaso ng Covid- 19 at paghahanda sa pagkontrol ng paglaganap ng bagong variant na B.1.1.7. Kaugnay nito, magpapaskil na ng mga listahan ng lahat ng Barangay na may mga pinakamataas na kaso upang maging alerto ang LGU.

Natalakay din ang usapin hinggil sa ipinapatupad na Curfew sa buong Lungsod.