Drug Abuse Prevention and Control Week


Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week sa pangunguna ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) para sa patuloy na pagsugpo ng ilegal na droga lalo na sa panahon ng pandemya. Ang nasabing pagdriwang ay isinagawa noong Nobyembre 6-20, 2020. Ang isang linggong selebrasyon ay may temang "Better Knowledge for Better Care". Nakiisa ang iba’t-ibang barangay sa poster-making contest, pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan para makaiwas sa droga, pamimigay ng flyers, mugs at t-shirts, TikTok contest, Zumba at iba pa. Bukod dito, nagsagawa pa ng drug testing para sa mga drug surrenderees at sa bumubuo ng Barangay Council ng Barangay.

Layunin nito na maipakita at mapalawak ang kaalaman ng lahat sa masamang epekto ng ilegal na droga sa ating kalusugan na maaaring humantong sa kamatayan. Katuwang sa programang ito na pinangasiwaan ni CADAC Focal Person Lirio Rivera, ang Pulis San Pedro Aktibo at City Health Office.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.