EARTHQUAKE DRILL, IDINAOS


Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bilang paghahanda sa posibleng paglindol noong ika-27 ng Nobyembre, 2020.


Ang naturang pagsasanay ay bilang pagtalima sa kautusan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz na tiyakin ang kaligtasan ng bawat kawani ng Pamahalaang Lungsod at mamamayan na may transaksiyon dito sakaling magkaroon ng hindi inaasahang lindol. Matapos marinig ang hudyat, isinagawa ang “Duck, Cover, and Hold”.


Ang nasabing drill ay pinangasiwaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pamumuno ni DRRM Officer Ms. Evangeline Allen at Deputy DRRM Officer Nico Pavino.