Financial Assistance para sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan


Ginanap noong March 23, 2022 ang pamamahagi ng Financial Assistance para sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa ating Lungsod mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa tulong ng CSWDO at City Treasurer’s Office. Ang nasabing payout ay dinaluhan din nila SK President Earl Gius Castasus, Councilor Bobot Berroya, CSWDO Head Ms. Fatima Autor, City Treasurer Ms. Enelyn Abaigar at PAIO Head Jimbo Ambayec.