Flood Mitigation Workshop 2021


“Continue learning. Continue searching. Huwag tayong magpakulong sa mga lumang istilo. Gain insights from experts. Kung maibabalik natin ang dating estado ng ating mga creeks and waterways na maayos, why not?”

Iyan ang paalala at hamon ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa Flood Mitigation Workshop na ginanap noong Agosto 5, 2021 sa Pavillion Hall, New City Hall. Ito ay pinasinayaan ng City Planning and Development Office, sa pangunguna ni OIC Jojit Negrosa at dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan ng mga sumusunod na kagawaran: CSWDO, CUDHO, CHO, CENRO, City Engineering Office, Office of the Building Official, PAIO, City Architect’s Office, City Local Civil Registrar’s Office at CDRRMO. Layunin nito na makabuo ng komprehensibong plano upang masolusyonan ang problema ng baha sa lungsod.

Kasunod ito ng pagpupulong na pinangunahan ni Mayor Cataquiz ukol sa pag-sugpo ng problema ng baha na ginanap noong Hulyo 27, 2021. Matatandaang binisita at inispeksyon ni Mayor Cataquiz ang mga lugar na nasa danger zones noong kasagsagan ng malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Fabian at Habagat.