Formal Turnover Ceremonies hinggil sa Road Safety Management at Child Safety on Motor Vehicles



“I'm so glad because at last nagawa na natin 'to. Ang Road Safety Action Plan is one of my passions especially when I learned that it is already implemented globally. At alam ko na kailangang kailangan natin 'to for the betterment of San Pedro…”- Mayor Lourdes S. Cataquiz

Nagdaos ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng Public Order and Safety Office katuwang ang The Policy Center at Public Affairs and Information Office ng Formal Turnover Ceremonies hinggil sa Road Safety Management at Child Safety on Motor Vehicles Act (RA 11229) na may temang, “Mobilizing Stakeholders in Aid of the Child Safety in Motor Vehicles Act” noong Mayo 18, 2022.

Ang Lungsod ng San Pedro ang kauna- unahang LGU sa Region IV- A na magpapatupad ng batas na ito.

Layunin ng lokal na implementasyon ng batas na ito na mabawasan ang mga insidente sa kalsada.

Kasama sa mga dumalo sa nasabing programa ang mga kinatawan ng LTO Region IV-A Operations Division, DepEd San Pedro, DILG, PNP, CHO, CDRRMO, at CSWDO.