Former House Speaker Cayetano, Namigay ng relief goods


Dumating sa Lungsod ng San Pedro si Former Speaker of the House of Representatives Allan Peter Cayetano kasama ang kanyang maybahay na si Taguig City Congresswoman Maria Laarni Cayetano upang ipamahagi ang kanilang tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses na naninirahan sa Brgy. Cuyab noong ika-1 ng Disyembre, 2020.


Katuwang si City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa pamamahagi ng relief goods sa mga pamilyang nasalanta ng pagbaha. May bilang na 600 grocery packs ang naipamahagi. Nakiisa rin sina Cong. Dan Fernandez, Former Mayor Calex Cataquiz, Coun. Aaron Cataquiz, Coun. Edgardo Berroya, ABC Diwa Tayao, Cuyab Brgy. Chairman Mario Pastidio at mga Kagawad sa pamimigay ng tulong.