Free Breast and Cervical Cancer Screening


Noong Marso 28, 2022, ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, sa pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz ay nagsagawa ng libreng breast and cervical cancer screening para sa ilan nating mga kababayan na ginanap sa Pacita 1 Convention Center. Ito ay pinangunahan ng Evangelista Medical Specialty Hospital katuwang ang ating City Health Office.

Ang proyektong ito ay kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan.

Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), ang Cervical Cancer at Breast Cancer ay kabilang sa apat na pinaka- karaniwang uri ng kanser sa mga babae.

Nakiisa sa proyektong ito sina Konsehal Aaron Cataquiz, Konsehal Raffy Campos, Konsehal Lonlon Ambayec, Konsehal Bernadeth Olivares, Konsehal Leslie Lu, Dating Vice Mayor Iryne Vierneza, Dating Konsehal Delio Hatulan, Kapitan Bong Poyaoan, Dr. Marion Acierto, EMHS Medical Directress Dr. Cecilia Evangelista, CHO at EMHS Staff.

Para sa karagdagang katanungan, makipag- ugnayan lamang sa City Health Office o tumawag sa numerong 8808- 2020 local 317.

Maraming salamat po.