Free Family and Primary Care Medical Services

Nagsagawa ng Free Family and Primary Care Medical Services ang City Health Office (CHO) sa pangangasiwa ni City Health Officer Dr. Robert Olivarez at OIC LCR Riah R. Fojas. Nagkaroon ng libreng Implant, ECG, Ultrasound, Physical Examination gayundin ang libreng eksaminasyon ng dugo (CBC), ihi (urinalysis) at dumi (fecalysis). Ito ay naganap sa OPD-Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH) noong ika-28 Oktubre, 2020.


Nagbigay ng kaalaman si Ms. Fojas hinggil sa Breast Cancer Prevention and Awareness upang magkaroon ng kamalayan ang mga kababaihan upang ito’y maiwasan. Ito ay naisakatuparan sa tulong ng Friendly Care Foundation, Inc. katuwang ang Population Commission at HRH - DOH ng ating Lungsod.




© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.