FRONTLINERS BINIGYANG-PARANGAL NI MAYOR CATAQUIZ

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay binigyan ng parangal ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang ating mga matatapang at magigiting na frontliners na maituturing na mga bayani dahil patuloy na nagsisilbi at nagbibigay ng serbisyo sa pakikipaglaban ngayong panahon ng pandemya na Covid-19, June 12.


Binigyan ng parangal ang City Health Office na kinabibilangan ng doctors, nurses, midwives, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Nursing attendants, ambulance drivers at medical technicians.


Kabilang sa mga pinarangalan ang City Social Welfare and Development Office, PNP- San Pedro, City Disaster Risk Reduction Management Office, San Pedro Aktibo Rescue Crew, Bureau of Fire Protection, Public Order and Safety Office, City Fire Auxiliary Unit, Traffic Regulatory Unit, Civil Security Unit, Association of Barangay Councils at Army Reservist.

SALUTE TO COVID-19 FRONTLINERS!









© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.