Fuel Subsidy


Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa pamamagitan ng City Treasurer’s Office at City Social Welfare and Development Office ang pamamahagi ng Fuel Subsidy para sa mga drivers na miyembro ng TODA at JODAI sa lungsod noong Marso 23, 2022. Matatandaang nagpasa ng panukala sa kahilingan at inisyatibo ni Mayor Cataquiz ang Sangguniang Panlungsod para mamahagi ng nasabing subsidy. Layunin nito na magpaabot ng tulong pinansyal sa mga public transport drivers dahil sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Kasama sa mga dumalo sa pamamahagi sina Konsehal Bobot Berroya, City Treasurer Enelyn Abaigar, CSWDO Head Fatima Autor, PAIO Head Jimbo Ambayec, CHRMO Head Leah- Lu Morando and POSO OIC Lirio Rivera.