Gift packages para sa opisyales at miyembro ng Barangay Cuyab Tricycle Operators and Drivers Assoc.


Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng gift packages sa mga opisyales at miyembro ng Barangay Cuyab Tricycle Operators and Drivers Association (BCTODA). Ang nasabing pamamahagi ay ginanap noong noong Marso 3, 2021 sa San Pedro Central School.


Inatasan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sina Coun. Aaron Cataquiz, Coun. Raffy Campos, Coun. Leslie Lu, Coun. Kent Lagasca, Coun. Bernadeth Olivares, Coun. Bobot Berroya at Brgy. Langgam Chairman Romeo Poyaoan upang pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa 758 opisyales at miyembro ng Cuyab TODA. Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni BCTODA President Charlie Almeida sa tulong na ipinagkaloob ng Pamahalaan.