HOUSE TO HOUSE VACCINATION


Ang ating Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, sa pamamagitan ng City Health Office ay araw- araw ang pagbabakuna kontra Covid- 19 para sa lahat ng kategorya sa mga major vaccine sites sa San Pedro Astrodome, Robinsons Galleria South at PUP San Pedro Campus.

Ngayong araw, Byernes, Marso 11, 2022 ang Resbakuna Team ay nagsagawa rin ng house to house vaccination sa Barangay Laram, Barangay Langgam at Barangay Estrella. Layunin ng gawaing ito na mas mailapit sa ating mga mamamayan ang pagbabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa Covid- 19.

Maraming salamat po. Mag-iingat po #TayongLahat! Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po!