Ika-157 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, Ginunita


Ginunita sa Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ng Knights of Columbus ang ika-157 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio bilang pag-alala sa kaniyang kabayanihan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa. Ito ay idinaos sa bagong Bantayog ni Bonifacio na matatagpuan sa Brgy. Pacita 1 noong ika-30 ng Nobyembre, 2020.


Tampok sa pagdiriwang ang pagpapasinaya sa bagong monumento ni Bonifacio na pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, kasunod nito ang pag-aalay ng bulaklak. Nakiisa rin sa pagdiriwang sina Former Mayor Calex Cataquiz, Coun. Aaron Cataquiz, Coun. Raffy Campos, Coun. Edgardo Berroya, SPUD OIC Susie Miranda, SPCTCA OIC John Manzano, Pacita 1 Brgy. Chairman Kitten Campos, Chrysanthemum Brgy. Chairman Restituto Hernandez, Sto. Rosario Parish Priest Rev. Fr. Jorge Seldon Coronado at Sto. Rosario Parish Choir.