Ikalawang bahagi ng Covid-19 Vaccine Simulation Exercise


"Matagumpay na idinaos ang ikalawang bahagi ng Covid-19 Vaccine Simulation Exercise. Makikita sa nasabing simulation exercise ang paghahanda ng ating Lungsod sa panahong dumating na ang mga bakuna, kabilang dito ang tamang pagkakasunod- sunod ng proseso ng pagbabakuna. Ang prosesong ito ay binubuo ng siyam (9) na hakbang : 1) registration, 2) verification, 3) interview, 4) counseling, 5) pagkuha ng vital signs 6) screening, 7) observation/ monitoring, 8) vaccination, at 9) pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa Covid-19 at kahalagahan ng bakuna. May nakaantabay ding ambulansya na maghahatid sa ospital sa mga pasyenteng makakaranas ng adverse effects.


Sumailalim ang mga Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers sa isang dry run na pinangunahan nina City Health Officer Dr. Robert Olivarez at LCR OIC Riah Fojas katuwang ang PNP San Pedro at Public Affairs and Information Office.


Nais ko pong ipaabot sa ating mga kababayan na mahalaga ang pagpapabakuna. Prayoridad po nating mabakunahan ang ating mga health workers. Isang Ligtas at Magandang San Pedro po sa inyong lahat. "


- Mayor Lourdes S. Cataquiz