Inisyal na pagpupulong ng mga Department Heads ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro


Pinangunahan ni City Administrator Engr. Filemon Sibulo at CLGOO Ms. Lenie Bautista ang inisyal na pagpupulong ng mga Department Heads ng Pamahalaang Lungsod para paghandaan ang Seal of Good Local Governance (SGLG) 2021 na iginagawad taon-taon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGUs). Ang nasabing pulong ay ginanap sa Pavilion Hall noong Abril 20, 2021.


Matatandaan na ang ating Lungsod ay kabilang sa mga nagkamit ng SGLG Award sa limang magkakasunod na taon (2015, 2016, 2017, 2018 at 2019).