Interfaith Prayer Meeting


Nagtipon-tipon kahapon, Mayo 30, 2021, ang mga kinatawan ng iba’t-ibang religious organizations sa San Pedro City Hall kaugnay ng pagdaraos ng Interfaith Prayer Meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para ipanalangin ang kaligtasan ng ating bansa laban sa nakamamatay na sakit na dulot ng COVID-19.


Ang prayer meeting na ito ay isinagawa upang ipakita ang ekumenismo sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya ng mga Pilipino.


Ang lokal na pagtitipon ay pinangunahan nina City Mayor Lourdes S. Cataquiz at Office of the Presidential Adviser for Religious Affairs (OPARA) Director Pastor Paolo Leyco, kasunod ang panalangin ng iba’t-ibang lider ng simbahan. Pinangasiwaan naman nina City Tourism, Culture and Arts Office (CTCA) OIC John Manzano at Public Affairs and Information Office (PAIO) Head Jimbo Ambayec ang programa.


Kabilang sa mga nanguna sa panalangin ay sina:

1. Pastor Ramon Redima, San Pedro Pastor and Workers Fellowship - Prayer for National Leadership 2. Bishop John Castillo, Chaplaincy San Pedro Chapter – Prayer for Local Government 3. Pastor Elizabeth Villanueva, Christian Leadership Association of San Pedro – Prayer for Economy 4. Pastor Medic Nedic Dela Cruz, Presbyterian Church – Prayer for Frontliners 5. Rev. Fr. Philip James Baided, New Parochial Vicar Sto. Sepulcro Parish – Prayer for Faith and Hope 6. Pastor Justiniano Camaclang, San Pedro Evangelical Church, United Church of Christ in the Philippines (UCCP) – Prayer for Family 7. Imam Mahdi M. Batua, San Pedro Bayan Mosque – Prayer for Peace and Unity 8. Pastor Jess Sibug, Christian Bible Baptist Church – Prayer for Health and COVID-19 9. Mr. Antonio Almeida, City Environment and Natural Resources Office (CENRO) – Prayer for the Nation