Isang Magandang San Pedro po!

Patuloy ang pagpapaganda sa ating lungsod. Sinisikap ng ating Pamahalaan sa pamamagitan ng San Pedro Urban Development Office na isa-ayos ang bawat sulok ng ating bayan.


Nanawagan ang ating minamahal na City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa ating mga kababayan na tulungan po ninyo ang ating Pamahalaan na panatilihin ang kalinisan sa bawat paligid. Iwasan na po natin ang mga lumang kaugalian na nakasanayan sapagkat hindi biro ang panahon at halagang ginugugol ng ating Pamahalaan sa mga programang katulad nito.

Gawin po nating livable at sustainable ang ating komunidad. Hindi po ito kaya ng gobyerno lamang. Malaki po ang papel na dapat gampanan ng mga bawat naninirahan sa ating lungsod. Tingnan po ang laki ng pagkaka-iba sa mga larawan na nakunan ngayon at ngayon.













© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.