Kaagapay Youth Movement


Nanumpa sa katungkulan ang mga opisyales ng Kaagapay Youth Movement kay Punong Lungsod Lourdes S. Cataquiz noong ika-16 ng Nobyembre 2020 sa Ceremonial Hall. Ang nasabing movement ay pinamumunuan ng kanilang Pangulo na si Mark James Roncales at Pangalawang Pangulo na si Lucky Abaño. Sila ang grupo ng mga kabataan na mula sa iba’t-ibang barangay na susuporta sa magagandang programa at proyekto ng ating lungsod. Ayon kay Former Mayor Calex Cataquiz, ang mga kabataang ito ang magpapatuloy ng kaniyang sinimulang programa na San Pedro Roadmap 2020. Sila ay makikipag-ugnayan kina DSYD OIC Glenn Torrecampo at Rommel Vale para sa mga proyektong kabataan.


© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.