Kasalang Bayan February 2022


“…ang inyong pag- iibigan ay dinala tayo dito ngayon and it is destined by God. Ang Panginoon ang dapat na inyong makasama. Be faithful to Him and to each other.”, ito ang mensahe ni Mayor Lourdes S. Cataquiz para sa dalawampu’t limang (25) pares na sabay-sabay na pinag-isang dibdib sa idinaos na Mask Wedding o Kasalang Bayan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro na bahagi ng social program ng City Local Registrar’s Office sa pangunguna ni Ms. Riah Fojas. Ang nasabing Kasalang Bayan ay idinaos sa Pacita 1 Park noong Pebrero 18, 2022 na may Temang: “Tadhana sa Gitna ng Pandemya”. Naging katuwang din sa pagsasagawa ng programa ang Gender and Development Office sa pangunguna ni Ms. Rochelle Cariño at Public Affairs and Information Office sa pangunguna naman ni Mr. Jimbo Ambayec.

Pangunahing layunin ng programang ito na makapagbigay ng libreng kasal upang maging legal ang pagsasama ng mag-asawa at maiayos ang bawat pamilya. Matapos ang pagbabasbas ay pinagkalooban ang mga bagong kasal ng libreng cake, food packs, bigas at photo services.

Nagsilbing host sa palatuntunang ito si TCA OIC John Manzano katuwang ang San Pedro Technological Institute.