Kasalang Bayan July 2021



“Walang makakapigil sa kasalan, sa inyong pagmamahalan. Natutuwa ako sa mga naglalayong mabasbasan- sa mata ng Diyos, sa mata ng tao. Natutuwa rin ako na marami pa ring mga tao ang naniniwala sa wedding. It is God’s destiny na kayo ay naririto ngayon, to be with each other. Ang ating Panginoon ay huwag ninyong kalilimutan. Make Him the best part of your lives. What is lacking in you, God will provide Remain in love at mag- iingat po palagi- kung mahal mo ang isang tao ay mag- iingat ka… ”, ito ang mensahe ni Mayor Lourdes S. Cataquiz para sa labing- siyam (19) na pares na sabay-sabay na pinag-isang dibdib sa idinaos na Mask Wedding o Kasalang Bayan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro na may temang “Pusong Pinag-isa sa Panahon ng Pandemya” sa City Hall Lobby noong ika-23 ng Hulyo, 2021. Nag- alay din siya ng isang awitin para sa mga magsing- irog.

Ang seremonyang ito ay bahagi ng social program ng City Local Civil Registrar’s Office, sa pamumuno ni Ms. Riah Fojas na ang pangunahing layunin ay magkaloob ng libreng kasal at gawing legal ang pagsasama ng mga nag-iibigan. Matapos ang pagbabasbas ay pinagkalooban ang mga bagong kasal ng libreng cake, pagkain, bigas at photo services.

Ito ay dinaluhan din nina City Councilors Aaron Cataquiz, Raffy Campos, Bernadeth Olivares, Leslie Lu, Kent Lagasca at Bobot Berroya. Dumalo din sina Former Mayor Calex Cataquiz, Laguna 1st District Board Member Ann Matibag, PAIO Head Jimbo Ambayec, CSWD Head Fatima Autor, at CTCAO OIC John Filemon Manzano."