“Kay Ganda ng Ngiti ko sa Bago kong Pustiso”


Isandaan at walumpu’t siyam (189) na mamamayan ng ating lungsod ang nakapagpakita ng kanilang maganda at matatamis na ngiti matapos nilang maisuot ang kanilang pustiso sa programang “Kay Ganda ng Ngiti ko sa Bago kong Pustiso” sa Jose L. Amante Emergency Hospital noong May 11, 2021.


Ang programang ito ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, sa pamamagitan ni City Health Officer Dr. Robert Olivarez at LCR Head Riah Fojas. Katuwang din sa nasabing programa sina Dr. Medardo Ramirez, Dr. Catherine Arguelles, Mylene Barte at Donya Angelica Ramirez.