Laguna Provincial Leveling Session


Isinagawa ang Laguna Provincial Leveling Session sa pamamagitan ng isang webinar na pinangasiwaan ng Philippine National Police Region IV-A upang paghandaan ang pagpapatupad ng mga tungkulin ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict o mas kilala ngayon sa tinatawag na NTF-ELCAC. Isinagawa ang nasabing webinar kahapon, May 5, 2021, sa Pavilion Hall.


Layunin nito na tumugon sa mga problemang dulot ng CPP-NPA-NDF lalo’t higit sa mga liblib na barangay at lalawigan. Bahagi nito ang paghikayat sa lahat ng mga LGU sa buong bansa na pagtulungang paunlarin ang bawat barangay gamit ang Barangay Development Program.


Dinaluhan nina CGLOO Lenie Bautista, PNP-San Pedro, mga Punong Barangay at Department Heads.