LGBTQ GENERAL ASSEMBLY AND ELECTION OF OFFICERS


Nagpatawag ng General Assembly si CSWD Head Fatima C. Autor noong Nobyembre 24, 2020 sa Atrium Hall, San Pedro City Hall para sa lahat ng mga miyembro ng Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgender & Queer (LGBTQ) sa buong Lungsod. Tinalakay sa nasabing pagpupulong kung paano mas mapapaigting ang kanilang karapatan, kamalayan at papel sa lipunan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Pinag- usapan din ang kanilang mga aktibidad ngayong darating na buwan ng Disyembre.

Ayon kay Ms. Autor, sila ay pagkakalooban ng capital assistance o dagdag puhunan para sa Livelihood Project na magmumula sa Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz para sa mga miyembrong hindi pa tuluyang nakakapagbukas ng kanilang mga negosyo dahil sa epekto ng pandemya.


Nagkaroon din sila ng Election of Officers. Nahalal na Presidente si Ramesis “Thoots” Ramirez; Internal Vice Pres. Tuesday Belo; External Vice Pres. Bembem Espanto; Secretary Jerome Bautista, Mhicey Palacio, Lhea Montecarlo; Treasurer Joel Madrigalejos; Auditor Richard Labeste; PRO Chellar Sagun, Richard Estrada, Ed Liparanon, Sarah Ortega, Regie Berroya at Mina Viaje.


Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina Committee Chair on Women and Gender Equality City Councilor Bernadeth Olivares, City Tourism Office Head John Filemon Manzano, LCR OIC Riah Fojas, Midwife/ HIV Counselor Ma. Celenita Mahalin at Nurse Joseph Peleton.